Sunday, May 17, 2009

Ikaw EDUKASYON ang siyang LUNAS!!

Ibig bang sabihin kung wala ka ng pera, huwag ka ng mag-ambisyong makapag-aral, ayon sa kasabihan ng CHED na “Quality Education is Expensive.” Sa totoo lang maraming nilalang ang makasarilli. Kahit na gayon ang kalikasan ng ating mundo, ang mga tao, salungat sa natira sa kalikasan, ay hindi pinagkalooban ng panloob na pag-uugaling programa, at sa gayon tayo ang nangangailangan nito. Mapalad ang mga nilalang na nabibigyan ng pagkakataong makatung-tong sa paaralan upang ranasin kung ano ang edukasyon. Pero ano nga ba itong tinatawag na edukasyon? Ito ba ang pagpasok sa paaralan kahit wala kang natutunan? Ito ba ang pagbabayad ng walang hanggang pagtaas ng matrikula. Ito ba ang kopyahan sa loob ng silid aralan o ano? May naitutulong ba ito sa ating kapaligiran at may malaking papel kaya ito sa paghubog ng ating lipunan?

Ang edukasyon ang tanging kayamanan na natutuhan at makakamit ng isang tao na hinding-hindi mananakaw ng sino man. Ito ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan., ang pagbabahagi ng kaalaman, mabuting pag-husga at karunungan. Pero paano makakamit ng ating bansa ang magandang edukasyon kung hindi naman maayos ang sistema nito. Malaking ibendinsya na lamang ng mga ito ay maraming paaralan sa bansa ang kulang-kulang sa gamit, nagkukulang sa mga upuan at mga mesa, may mga paaralan na kulang-kulang din sa mga guro at ang iba estudyante na lang nagtuturo bilang pamalit sa mga kulang na guro. Ang uliran na panumbasan ng guro sa mag-aaral ay 1:25 ngunit sa mataas na paaralan ng kalayaan sa Pilipinas ay 1:100 o higit pa ang tinituruan. Ang edukasyon ang pangunahing problema ng sangkatauhan pero ito naman ang tunay na sulosyon sa pagkalugmok natin sa sa kahirapan. Kung bibigyan lang natin ng wastong tuon ang edukasyon at patuturo ang kahit isang henerasyon, matiyak na ang darating na henerasyon ay mapalaking maayos at mamuhay sa sukdulan. Ito ay dahil sa bawa’t pansing ating binibigay sa wastong edukasyon ay maari at magkaroon ng sapat na paunlarin ang susunod na henerasyon

Tunay lamang na bigyan ng sapat na atensyon ng bawat kabataan ang wastong edukasyon. Dapat pansinin ng bawat Pilipino kung anu-ano ang mga nangyayari sa ating kapaligiran lalong-lalo na ang mga magulang. Huwag tayong magbulag-bulagan sa mga nangyayari sa atin bago mahuli ang lahat. Malaki ang parte ng mga magulang sa anak dahil dapat nilang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak, dapat palakihin nila ang mga ito sa maayos na paraan at bigyan nila ang kanilang mga anak ng karapatang magkaroon ng edukasyon. Sila ang pangunahing guro nila sa pagturo ng kagandahang asal, magandang pag-iisip, kung paano nila mahalin ang kapwa nila tao at ang sarili nilang bansa at dapat din nilang ilapit ang kanilang anak sa puong-maykapal. Ang magulang ang siyang may obligasyon na palakihin ang kanilang mga anak sa maayos dahil alamnamn nila na malaki ang maitutulong ng mga kabataan sa paglutas ng mga suliranin sa ating sariling bansa. Dahil kung makakapag-aral ang mga kabataan ay malaki ang maibabahagi nila sa pag-unlad ng ating bansa. Sila ang mga mabisang sandata upang palayain ang sambayanan mula sa pagkakaalipin nito sa larangan ng kultura, ekonomiya at politika. Ang edukasyon ay tutugon sa interes ng ating sambayanan hindi sa interes ng dayuhang kapital. Ang edukasyon ay maari ding sandata para hubugin ang ating mamamayan sa maling pananaw. Kaya tayong mga kabataang Pilipino bigyan nating halaga at sapat na pansin ang edukasyon sapagkat ito ang susi sa pag-unlad ng bansa nating Pilipinas. Ito ang panunahing lunas upang makamit natin ang kalayaan na matagal na nating inaabot. Tunay na mahalaga ang parte ng mga kabataan at sila ang matatawag na pag-asa ng bayan. Sigaw nga ng karamihan kabataan ang pag-asa ng bayan! At para tapusin itong sanaysay na ito nais ko lang ibahagi ang wikang “Ang tunay na aklat ng isang mag-aaral ay ang lipunang kanyang ginagalawan, ang guro niya ay ang sambayanan, at ang kanyang pagsusulit ay ang pakikilahok niya sa pakikibaka ng masang-api.

by:Alona Jinky Lopez

No comments:

Post a Comment