Sunday, May 17, 2009

Kayamanan?

Ang edukasyon ay isang instrumento na nasilbing tangalaw sa daigdig na ito. Siya ang ating pangatlong magulang na gumabay sa atin. Siya rin ang nagsisilbing gabay upang makilala natin ang tama at mali at kung ano ang nararapat nating gawin. Edukasyon din ang daan tungo sa pagabot ng ating mga pangarap.

Sa aking determinasyong mailahad ang aking saloobin, nauwi ako sa pagkakaluklok sa isang upuan, kaharap ang computer, biuksan ang internet explorer habang dinig ko ang kaingayan ng mga kabataang nagsusumikap na naglalaro ng mga computer games. Sa aking pananaliksik ay natagpuan ko ang depinisyong umagaw sa aking atensyon. Isang depinisyong natagpuan ko sa isang “Education in its broadest sense is any act or experience that has a formative effect on the mind, character, or physical ability of an individual (e.g., the consciousness of an infant is educated by its environment through its interaction with its environment); and in its technical sense education is the process by which society deliberately transmits its accumulated knowledge, values, and skills from one generation to another through institutions.[1] Teachers in such institutions direct the education of students and might draw on many subjects, including reading, writing, mathematics, science and history. This technical process is sometimes called schooling when referring to the compulsory education of youth.[2] Teachers in specialized professions such as astrophysics, law, or zoology may teach only a certain subject, usually as professors at institutions of higher learning. There is also instruction in fields for those who want specific vocational skills, such as those required to be a pilot. In addition there is an array of education possible at the informal level, e.g., at museums and libraries, with the Internet, and in life experience”.

Edukasyon, isang simpleng salita ngunit kung tutuklasin natin ang malalim na sulok ng salitang ito ay makapagbibigay ng libu-libong depinisyon. Isa na dito ay ang eduksayon bilang isang kayamanan, isang kayamanan dahil ito ang pinamulat sa ng ating mga nkakatanda. Malimit mbanggit ang mga ito kung tayo’y hindi nagpupursigi o di kaya’y kung nkikita tayong hindi natin pinagbubuti ang ating mga leksyon hindi ba? Sasamahan pa ng mga wikang ….”kami ng inay mo ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya namin natupad ang mga pangarap namin, sana anak ikaw ang magpuno sa aming kakulangan, ikaw na sana ang magpatuloy ng aming karera…oh diba?...madrama nga ngunit may katotohanan dahil ito ay isang karunungan o wisdom. Makasarili man kung minsan ang ating mga magulang sa kung anong kukunin nating kurso ay hindi rin natin sila masisi lalo na’t kung ikinatwiran pa nila ang nasabing mga “walang katapusang linya” na nailahad sa unang mga unang mga pangungusap.

Ibat-ibang panahon man ang ating lakbayin, ma pa kay Gat Jose Rizal man o kahit sino pa man, kasama ang importansya ng edukasyon. Ang edukasyon daw ay isang sandata na lulupig sa karalitaan at kamangmangang ipinamumulat sa atin ng malawak na daigdig na ito. Masasabi natin na ang pangunahing tauhan sa edukasyon ay ang kabataan o ang mga susunod na henerayon.”ika nga ni Dr. Rizal sa kanyang akda, ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Pag-asa ng bayan?...san na nga ba ang mga kabataan ngayon?...ayun po sila nagDOdoTA..ayun po sila kasama ang mga “irog” nila at ayun po sila kasama sina Yosi at Brandy. Masasabi ba nating sila ang mga pag-asa ng bayan gayong taliwas sila sa mga nakita ni Rizal sa kanyang pagmumuni-muni? Tayo ang humusga…isa pa ay hindi naman lahat ng kabataan ganito, may mga sumusunod pa rin naman sa yapak ng ating mga bayani, kagaya ni Efren “Kuya Ef!” Penaflorida Jr. ng Dynamic Teen Comapany na kilala sa kanilang Edukasyon sa Kariton, masasabi nating isa siyang tanglaw sa gitna ng kadiliman. Si Kuya Ef ay isang taong may determinasyon upang baguhin ang kapalaran ng mga batang hindi makasabay sa agos ng kasaysayan. Sa simpleng kariton, sa bawat yapak ng mga paa at sa pawis na pinuhunan, si Kuya Ef ay gumagawa ng pagbabago. Maituturing na nga ba siyang isang sagot sa lumalalang karamdaman ng lipunang ating ginagalawan?

Marami nga bang pagkukulang ang ating gobyerno sa aspeto ngdekalidad na eduksyon? Isang katanungang nais kong maikintal sa inyong mga isipan. Sa mga nagdaang mga taon,ang Pilipinas daw ay pangatlo….PANGATLO SA KULELAT. Kung babalikan natin ang katanungan tungkol sa pagkukulang ng ating gobyerno, marahil sa pagkakataong ito ay naisip nyo na ang kasagutan.

Sa nadaluhan kong NLTSGO o National Leadership Training for Supreme Student Government Officers ay doon ko naingkwentro ang katanungang nabanggit sa ikalimang talata. sa mga oras ding iyon ay nakinig ako ng mabuti sa debate ng dalawang komponan. Ang isang koponan ang nagsasabing OO, may pagkukulang ang gobyerno, at ang kabilang koponan ay nagsasabing WALA o hindi nagkulang ang gobyerbno. sa aking paguulinig ay napukawa ang aking atensyon ng isang katwiran na panig sa sagot na WALANG PAGKUKULANG ang gobyerno sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon. Ang sabi nya….tayo ang may pagkukulang, binibigay ng gobyerno ng kasagutan an gating mga karaingan…nagbibigay sila ng mga aklat, mga aparato at nagpapatayo ng mga paaralan….ngunit ano ang ginagawa natin?...nagbubulakbol, di binabasa ang libro, at kung anu-ano pang hindi related sa ating pag-aaral…sa makatuwid: TAYO ANG MAY PROBLEMA HINDI ANG GOBYERNO. Iyan ang hindi tugma ngunit nakuha ko kaagad ang ibig sabihin ng nabanggit ng taong iyon. Sa puntong ito, ano sa palagay nyo ang pinakamagandang kasagutan sa katanungang..Marami ng bang pagkukulang ang ating gobyerno sa aspeto ng dekalidad na edukasyon? kayo na po ang humusga.

logic_gate

No comments:

Post a Comment